Kabutihang dulot ng internet at social media sa mga kabataan o mag aaral
Sa paanong paraan nga ba o ano nga ba ang magandang dulot ng social media o internet sa atin bilang mga kabataan o mag aaral? Bilang mag aaral, nagagamit ba natin ng may kabuluhan ang ating mga social media accounts?
Madaming halimbawa ang social media tulad ng facebook, twitter, instagram, youtube, google at marami pang iba. Ang ating mundo ay nasasakop na ng social media, maraming mga kabataan at mag aaral ang nagiging aktibo sa paggamit ng kanilang mga social media accounts, mabilis rin silang maimpluwensyahan ng kanilang mga nakikita, nababasa o napapanood sa social media pero hindi lahat ng impormasyon o detalye sa social media ay tama dahil madalas ang mga impormasyon sa social media minsan sobra minsan may kulang.
Malaki ang naitutulong ng internet sa ating pag aaral, pananaliksik, paghahanapbuhay, libangan,pakikipag ugnayan at iba pa. Para sakin ang unang magandang dulot ng social media ay ang pagkakaroon ng komunikasyon sa mga mahal ko sa buhay, saan man silang parte ng mundo. Pangalawa, nakakakuha ng mga impormasyon na nakakatulong saking ginagawang pananaliksik lalo na sa aking mga assignments. Pangatlo, tumataas din ang aking self confidence, kapag nag babahagi tayo ng mga video tulad ng sayaw, kanta, pag popost ng mga pictures o litrato at iba pa. Pang apat nagkakaroon den pagiging malapit sa mga guro.
Kung tayo man o kung kayo man ang gagamit ng internet o social media, ituon natin yung may kinalaman sa ating pag aaral, hindi yung mag bubukas muna tayo ng facebook o twitter bago natin gawin yung mga assignments.
May roon din itong masama o negatibong epekto sa atin dahil sa paggamit ng social media bilang magaaral, imbis na gamitin natin ang mga aklat gumagamit nalang ng internet sa pananaliksik. Sa aklat mas lumalawak ang ating kaalaman at mas gumagaling tayo sa pag babasa. Hindi tulad ng internet isang click o pindot mo lang, lalabas na agad yung mga kailangan mo, oo maganda ang paggamit ng internet dahil mas mapapadali at mapapabilis yung mga kailangan natin, hindi natin kailangan umasa sa google mas okay pa yung aklat.


Comments
Post a Comment